Cauayan City, Isabela- Namahagi ng munting regalo ang hanay ng 86th Infantry ‘Highlander’ Battalion ng 5ID, Philippine Army sa mga katutubong Agta sa Sitio Dioryong, Brgy. Dissimungal, Nagtipunan, Quirino.
Bago pa man sumapit ang mismong araw ng Pasko, nagkaisa ang tropa ng 86th IB upang mamigay ng tulong bilang regalo sa mga katutubo at bahagi na rin ng kanilang gift giving activity ngayong Disyembre.
Tinatayang aabot sa 71 na pamilyang katutubo ang nakatanggap ng food packs habang ang kanilang mga batang anak ay nabigyan ng stuffed toys.
Ito ay upang ipadama ng kasundaluhan sa mga itinuturing na Indigenous People na sila ay hindi pinapabayaan ng gobyerno bagkus ay kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaan.
Ang pamimigay ng regalo ng Highlander Battalion na pinamumunuan ni LTC Ali Alejo ay kasabay ng ika-85 na anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines.