Muling naglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Pangasinan, sa pagpapatayo ng karagdagang mga dormitory para sa mga katutubong mag-aaral sa bayan.
Mapapakinabangan ito dahil hindi na kinakailangang umuwi pa araw-araw ang mga mag-aaral na mula pa sa malalayong lugar upang makapasok sa eskwela.
Mas pagagandahin pa ang dormitoryo sa paglalagay nito ng floor tiles, ceiling, maging ang pagpintura rito upang mas maging komportable ang pananatili ng mga estudyanteng katutubo.
Mayroon na itong sariling banyo, kusina at ilang mga double-deck na tutulugan ng mga estudyante.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang School Head ng San Felipe Integrated School at ang mga estudyante partikular ang mga tribong Ibaloi sa inilaang proyekto ng LGU San Nicolas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨