Mga katuwang sa pagsusulong ng Philippine Plan of Action for Nutrition, pinarangalan ng National Nutrition Council; RMN isa sa tumanggap ng pagkilala

Iba’t ibang indibidwal at organisasyon ang ginawaran ng parangal ng National Nutrition Council dahil sa kanilang kontribusyon sa nutrition advocacies.

Bahagi pa rin ito ng isinusulong na Philippine Plan of Action for Nutrition ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon.

Ngayong Martes ng hapon, idinaos ang Philippine Partners’ Assembly on Nutrition na may temang: Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat.”


This slideshow requires JavaScript.

Sa naging mensahe ni Health Undersecretary Gloria Balboa, iginiit nito ang kahalagahan ng pagsugpo sa problema sa malnutrisyon sa bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa.

Aniya nagreresulta ang malnutrisyon sa pagkabansot ng mga bata na nakakaapekto sa isa sa bawat apat na batang edad limang taong gulang pababa.

Kaugnay nito, nanawagan si Balboa sa publiko na magtulungan ang bawat isa para sa kalusugan ng mga Pilipino.

Isa ang Radio Mindanao Network sa katuwang ng NNC sa pagbibigay impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay kaalaman sa nutrisyon.

Tinanggap ang parangal para sa RMN nina RMN Foundation Vice President for Operations at Corporate Communications Head Mr. Enrique Canoy, DZXL News Anchor Radyoman Zhander Cayabyab at Gng. Myra Valera.

Facebook Comments