Mga kawani ng DENR paglilinisin na rin ng Manila Bay araw-araw

Simula sa araw na ito ay paglilinisin na Ang mga opisyal at kawani ng Department of Environment and Natural Resources sa Baywalk ng Maynila at sa Baseco bilang bahagi ng isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Batay sa kautusan ni Secretary Roy Cimatu, 150 kawani ng DENR ang itatalaga sa Baywalk at Baseco beach araw-araw

Sakop ng memo ni Cimatu ang mga kawani ng DENR sa central at regional offices na nasa Manila Bay region, pati na rin mga bureaus at attached agencies.


Sinabi ng Kalihim na nais nyang maging “more visible” ang mga kawani ng DENR sa rehabilitasyon ng Manila Bay sa taong ito.

Pinangunahan nina Assistant Secretaries Ricardo Calderon at Corazon Davis ang mga kawani ng Forest Management Bureau (FMB) at Biodiversity Management Bureau (BMB) sa paglilinis ngayong araw Enero 6.

Facebook Comments