Mga kawani ng DepEd, nanawagan kay PBBM na piliin ang kalihim na prayoridad ang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa

 

Umapela ang Department of Education (DepEd) National Employees Union kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dapat piliin ang kalihim ng DepEd na prayoridad ang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay DepEd National Employees Union President Atty. Domingo Alidon, mahalaga na nakatuon sa kapakanan ng mga empleyado ng DepEd at estudyante ang papalit na kalihim ng DepEd.

Mahalaga aniya na visionarian ang susunod na kalihim ng DepEd na ang hangad ay pagpapatuloy ang reporma at inisiyatibo na ang layunin ay mapaangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.


Naniniwala si Atty. Alidon na mahalaga na ang susunod na kalihim ng DepEd na itatalaga ng pangulo ay mayroong malawak na karanasan sa edukasyon.

Facebook Comments