Mga kawani ng DepEd, tinanghal na outstanding public service ng CSC

Hinirang na outstanding public service ang isang guro at opisyal ng Department of Educational (DepEd) ng Civil Service Commission (CSC).

Ang nakatanggap ng 2020 CSC Pagasa Award ay isang Principal I na si Jesus Catigan Insilada ng Caninguan National High School sa Lambunao, Iloilo at Master Teacher I Hadjuria Cornelio Gonzales ng Tagabakid Elementary School sa Mati City para naman sa taong 2021.

Pinarangalan din sina Principal III Jeremy Atun Cruz ng Pagasa National High School sa Legazpi City, Teacher I Jeffrey Galera Dimalig ng Mate Elementary School, Tayabas, Quezon; Principal I Gregorio Apues Legal ng Mary Perpetua E. Brioso National High School, Masbate City, Administrative Aide I Dennis Llanes Suero ng Schools Division Office of DepEd, Vigan City at Master Teacher I Edgar Tolentino Elago ng Jagupit National High School sa Agusan del Norte ng 2020 Dangal ng Bayan award.


Para naman sa taong 2021 Dangal ng Bayan award ay tanggap naman nina Master Teacher I Ma. Theresa Hermoso Criste ng DepEd-School Division Office, Cavite, Teacher II Sherwyne Tubal Manlangit ng Cagraray Elementary School, Bato, Catanduanes, Education Program Specialist II Markson Bosquillos Mejia ng DepEd-Schools Division Office of Sorsogon City at Head Teacher III Analyn Climaco Perez ng Dina-ut Elementary School sa Altavas, Aklan.

Nagpaabot naman ng pagbati ang pamunuan ng DepEd sa mga gurong nakatanggap ng parangal.

Batay sa kanilng pahayag, ito ay nagpapakita lamang na ng dedikasyon at may passion na kawani ng DepEd kung saan gabay nila ang core values ng kagawaran na maka-Diyos, maka-tao, makakalikasan, at makabansa.

Facebook Comments