Mga kawani ng DOH, buo pa rin ang suporta kay Health Sec. Francisco Duque III

Suportado pa rin ng mga empleyado at mga kawani ng Department of Health (DOH) si Health Sec. Francisco Duque III.

Ito ay sa kabila ng suhestyon ni Sen. Bong Go na magbitiw na ang kalihim dahil sa kaliwa’t kanang kontrobesrya ang kinasasangkutan nito.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na alam nila kung paano magtrabaho ang kalihim.


Nakatutok aniya ito simula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic.

Ani Vergeire, tulad ng sinabi ni Sec. Duque, kung kailangan ay gagawin niya ito pero kinakailangan munang malinawan ang issue sa Commission on Audit (COA) at tapusin ang iba pa nitong tungkulin bilang kalihim ng DOH.

Facebook Comments