Nakahanda na ang El Niño Task Force ng Dagupan City sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Lungsod bilang paghahanda sa panahon ng El Niño phenomenon sa bansa partikular na sa lungsod.
Ito ay matapos ihayag ng PAGASA na posibleng ideklara ang panahon ng El Nino ngayong buwan ng Hulyo kung saan agad na na nagkaroon ng pagpupulong ang mga kawani ng Task Force El Niño sa lungsod para mapaghandaan ang posibleng epekto nito.
Sa naging montoring ng mga kawani ng weather bureau ang nararanasang init ngayon ay nasa Weak El Niño palang ito ngunit asahan na ito ay mas iinit pa sa mga paparating na buwan.
Matatandaan na noong mga nakalipas na buwan nagtipon ang LGU maging ng task force members alinsunod sa direktiba ng Pangulo na sa Executive Order No. 10 na magkaroon ng whole-of-government approach sa implementasyon ng paghahanda sa epekto ng El Niño.
Dahil dito, inihahanda na ng grupo ang mga hakbang upang maiwasan at maibsan ng bahagya ang epekto nito.
Samantala, upang magkaroon ng mas maraming ahente upang masugpo ito ay hinikayat ngayon ng LGU na sana ay magkaroon din ng isang grupo ang bawat barangay upang magbantay sa epekto ng El Niño sa kanilang barangay. | #ifmnews
Facebook Comments