Nanawagan na rin ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) ng dagdag sahod at economic relief.
Ito ay kasunod ng mataas na presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Ayon kay COURAGE National President Santiago Dasmarinas Jr., napapanahon ng itaas sa P16,000 ang minimum wage ng lahat ng manggagawa ng gobyerno.
Dapat na rin aniyang itaas sa P3,000 ang inflation adjustment allowance ng mga government employee gayundin ang extended at expanded social amelioration package.
Bukod dito, umapela rin ang grupo sa pamahalaan na alisin na ang excise tax excise tax at Value Ddded Tax (VAT) sa langis.
Facebook Comments