Muling nagpaalala ang Civil Service Commission sa mga kawani ng gobyerno na manatiling apolitical ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksyon.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na hindi na dapat makialam pa ang mga government employees sa pulitika lalo na’t maaari nitong maapektuhan ang kanilang mga sariling trabaho.
Ayon pa kay Lizada, pwedeng mapatawan ng parusa o matanggal sa trabaho ang sinumang mga kawani na mangangampanya para sa kanilang mga gustong kandidato.
Samantala, una nang sinabi ni Philippine National Police Chief Guillermo Eleazar na magkakaroon sila ng reshuffle sa mga pulis na may mga kamag-anak na kakandidato sa 2022 upang matiyak na hindi nila maiimpluwensiyahan ang resulta ng halalan.
Facebook Comments