Mas mabigat na parusa na ang haharapin ng mga kawani ng gobyerno simula sa Agosto 4.
Ito ay kapag naireklamo at nahuling tumatanggap o humihingi ng lagay mula sa mga nagpapaayos ng kanilang mga lisensiya o iba pang dokumento.
Sa ilalim ng Ease of Doing Business Act:
- Ang mga simple transactions ay dapat natatapos sa loob ng tatlong araw
- Pitong araw sa mga complex transactions
- 20 araw naman sa highly complex transactions
Ayon kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica – dapat sundin na ito ng mga ahensya ng gobyerno, city at municipal halls.
Nagpapadala na ang ARTA ng mga sikretong aplikante sa mga notoryus na ahensya at munisipyo para malaman kung bumuti ang kanilang sistema.
May mga ikakasa ring entrapment operations.
Pwedeng magsumbong sa ARTA sa pamamagitan ng tawag, text, email o sa kanilang social media accounts.
Facebook Comments