Puspusan na ang paghahanda ng ilang mga bus companies sa lungsod ng Dagupan para sa magsisiuwang mga tao sa darating na long weekend bilang pakikiisa ng mga ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at pagdaos ng Undas 2023.
Ayon sa mga konduktor at kawani ng ilang bus companies, ngayon pa lang ay isinasaayos na at kinokondisyon na ang mga mabibigyan ng special permit na mga bus para bumyahe upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente na posibleng mangyari sa mga susunod na araw.
Inaasahan din daw nila na itong linggo ang dagsa ng mga taong magsisiuwian sa kani-kanilang mga lugar lalo na at dalawang malalaking kaganapan ang maaaring lahukan ng mga ito.
Samantala, malaki rin daw ang tyansa na mas marami ang uuwi ngayon lalo na at inilabas ang long weekend kung saan nasa siyam na araw o 9 days ang magiging mini vacation ng mga taong uuwi.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments