Mga Kawani ng LGU Ilagan, Negatibo sa Drug Test!

43

Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ni Mayor Jay Diaz sa kanyang State of City Address (SOCA) kahapon ang mga kawani ng LGU Ilagan matapos na magnegatibo sa isinagawang Drug test.


Nag-negatibo sa droga ang lahat ng mga empleyado ng nasabing lungsod matapos sumailalim sa random drug test ng otoridad.

Ito ay bilang pagsuporta sa kampanya kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigpit rin ipinapatupad ni Mayor Diaz.

Malaki rin ang kanyang suporta PNP Ilagan sa pagpapatupad ng illegal drugs campaign upang tuluyang maideklara na drug cleared ang Lungsod ng Ilagan.

Kaalinsabay nito, ay naglaan siya ng programa at proyekto sa mga Tokhang Responders na sumailalim sa Community Based Rehabilitation Wellness Program o CBRWP.

Facebook Comments