Mga kawani ng Manila LGU, nagsimula nang makatanggap ng year-end bonus at cash gift

Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglalabas ng mahigit P300 million para sa year-end benefits ng mga regular na kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ayon sa alkalde, nakalikom ng pondo para dito dahil sa paghihigpit sa paggastos at pinalakas na revenue performance.

Saklaw nito ang year-end bonus ng mga kawani na katumbas ng isang buwang sahod at P5,000 cash gift sa mga kwalipikadong personnel.

Nagsimula kahapon ay paglalabas ng P317 million halaga ng bonus at cash gift na diniretso sa mga bank account.

Habang maaari namang kunin ng mga walang aktibong bank accounts ang kanilang bonus na naka-cheke sa Cash Division.

Samantala, muli ring pinaalalahanan ng alkalde ang mga taxpayer na samantalahin ang General Tax Amnesty na iiral hanggang katapusan ng taon.

Facebook Comments