Pinauwi muna ngayong araw ang mga empleyado at mga residenteng may transaksyon sa Navotas City Hall.
Ito ay matapos makaramdam ng pagyanig ang mga kawani ng city hall.
Pero ayon kay Mayor Toby Tiangco, walang naitalang lindol ang PHIVOLCS sa Navotas kanina.
Hinala ng alkalde ay posibleng ang pagyanig ay may kinalaman sa istraktura ng gusali.
Kaya naman agad na pinauwi ngayong araw ang mga empleyado para na rin sa kanilang kaligtasan at agad ding nagsagawa ng inspeksyon sa city hall.
Humingi naman ng pasensya at pang-unawa ang alkalde sa mga residente dahil sa pagkaantala ng kanilang serbisyo.
Facebook Comments