Mga kawani ng SPD sabay-sabay sumaludo sa Watawat ng Pilipinas

Nagbigay pugay sa Watawat ng Pilipinas ang mga opisyal at kawani ng Southern Police District (SPD) ngayong ginugunita ang 21st National Flag Day.

Pinangunahan ang aktibidad ni Southern Police District PBGen Eliseo Cruz kasama ang mga district directors, command group, district staff ng SPD.

Sa seremonya nag-alay rin ng dasal at nanumpa ng katapatan sa Watawat ang mga tauhan ng SPD.


Sinabi ni Cruz na ang Watawat ay sumisimbolo sa katatagan ng bansa at sa kalayan na tinamasa ng mga Filipino mula sa mga mananakop.

Matatandaan noong May 23, 1994, inisyu ang Executive Order no.179, na pinapalawig ang panahon ng pagdiriwang ng National Flag Day mula May 28 hanggang June 12 o ang pagdiriwang ng Philippine Declaration of Independence mula sa Spain.

Kasunod nito lahat ng Filipino ay hinihimok na maglagay ng Philippine Flag sa lahat ng tanggapan, ahensya ng pamahalaan, business establishments, paaralan at pribadong mga tahanan sa mga nabanggit na panahon.

 

Facebook Comments