Mga KBP Members sa Pangasinan Time-out muna sa Trabaho

143

Break muna sa trabaho ang mga brodkaster, tv personalities, technicians, at staff ng iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon sa Lalawigan ng Pangasinan upang ipamalas ang kanilang galing sa larangan ng sports para sa taunang KBP Pangasinan Sports Fest.
Sinimulan ang nasabing aktibidad sa isang motorcade at opening program noong nakaraang June 17, 2017 araw ng Sabado sa Divine Word Academy of Dagupan Gym.
Layunin din ng nasabing sports fest na pagkaisahin at patatagin ang pagkakaibigan, tiwala, at camaraderie sa mga miyembro ng organisasyon. Hinikayat ng mga opisyales ng KBP Pangasinan Chapter ang mga member stations na aktibong makilahok sa nasabing aktibidades para sa mas ikatatag ng samahan.
Magtatapos ang KBP Pangasinan Sports Fest 2017 na may temang “Making Friends, Building Trust, and Fostering Camaraderie” sa June 24, 2017.


Facebook Comments