Ipinagmalaki ng Association of Service Providers and POGOs o ASPAP na mas maraming mga Pilipino na ang nakakakuha ng matataas na posisyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry.
Sa nagpapatuloy na joint hearing ng Committees on Ways and Means at Public Order, sinabi ni ASPAP Spokesperson Atty. Michael Danganan na maraming Pinoy na ang nagtatrabaho sa POGO at malalapagsan na nila ang bilang dito ng mga dayuhan.
Sa kasalukuyan ay may kabuuhang 23,118 Pinoy at 17,130 foreign nationals na nagtatrabaho sa POGO industry.
Sinabi ni Danganan, dahil sa kakayahan ng mga Pilipino na makapag-adapt sa sitwasyon ang siyang dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa POGO.
Dagdag pa ng tagapagsalita, ang mga Pilipino ay nagtatrabaho sa iba-ibang kapasidad tulad ng pagiging translator, engineers at project managers.
Ang ASPAP ay binubuo ng 16 na PAGCOR-licensed POGOs at 68 service providers.