Mga key stakeholders mula sa sektor ng agrikultura sa MIMAROPA at Eastern Visayas Region suportado ang price ceilings na ipinatutupad ni PBBM

Nagpahayag nang pagsuporta ng mga key stakeholders mula sa sektor ng agrikultura sa MIMAROPA at Eastern Visayas Region sa kautusan nang Pangulong Ferdinand Marcos na price ceilings sa buong bansa.

Sa ulat ng Presidential Communications Office ang pinirmahang Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Marcos Jr., ay epektibo simula kahapon kung saan itinatakda sa 41 pesos kada kilo ang presyo ng regular rice milled habang 45 pesos kada kilo sa well milled rice sa lahat ng palengke sa buong bansa.

Ayon sa PCO ilan sa mga key stakeholders na ito ay ang Bantay Buklura ARBs at Farmers’ Association.


Nagpahayag sila ng suporta sa desisyon ng pangulo na pagpapatupad ng mandated price ceilings sa bigas.

Pero umaasang mabilis na maibabalik at mananatili na ulit sa normal ang presyo ng bigas.

Bago umalis patungong Jakarta Indonesia para dumalo sa 43rd ASEAN Summit and Related summits.

Sinabi ni Pangulong Marcos na committed ang pamahalaan na tulungan ang mga rice retailers na lubhang apektado ng ipinatutupad na price ceiling sa bigas.

Facebook Comments