Mga Kilalang Personalidad at Celebrities makikisaya sa 14th Founding Anniversary ng Datu Abdullah Sangki

Inilatag na ng Datu Abdullah Sangki LGU ang ibat ibang mga aktibidad kasabay ng kanilang papalapit na ika 14th Founding Anniversary sa August 20.

Sinasabing ilang mga kilalang mga personalidad at mga celebrities ang inaasahang bibisita at makikisaya sa okasyon ayon pa kay Odjie Balayman , Admin Officer ng DAS sa panayam ng DXMY.

Magiging tampok rin ang gagawing ribbon cutting ng bagong gawang landmark na bubungad sa mga motoristang papasok sa bayan na nagmumula sa Cotabato City Area. Inaasahang isasabay rin dito ang pagbubukas ng public terminal dagdag ni Admin Odjie.


Kaugnay nito iniimbitahan ng LGU DAS ang lahat na makisaya sa kanilang selebrasyon.

Ang bayan ng DAS ay isang 6th Class Municipality na matatagpuan sa 2nd District ng Maguindanao. Binubuo ito ng sampung mga barangay na kinabibilangan ng Banaba, Dimampao, Guinibon,Kaya-kaya, Mao, Maranding, Old Maganoy, Sugadol, Talisawa at Tukanalugong.

Bagaman bago lamang itong naitatag, agad na itong namayagpag di lamang sa Maguindanao at buong Autonomous Region in Mulsim Mindanao maging sa buong bansa matapos gawaran ng mga pagkilala kabilang na ang Seal of Good Local Governance noong 2017 sa pangunguna rin ng kanilang 2nd termer na Alklade Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Facebook Comments