Mga Kilalang Pulitiko sa Lalawigan ng Cagayan, Nagfile na ng Kanilang COC!

Cagayan – Nagfile na ng certificate of candidacy si incumbent governor Manuel Mamba at dating Governor Bong Antonio sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nagfile din ng COC ang kapatid ni Congressman Randy Ting na si Larry Ting, ang dating ABC President ng Cagayan kung saan ay nasa National Unity Party na alliance ng PDP Laban kung saan ay tatakbo rin sa posisyong governor.

Nagsumite narin ng COC ang tatay ng kongresista na si dating mayor Delfin Ting sa pagka-mayor ng Tuguegarao City na makakatunggali niya ang incumbent city mayor Jefferson Soriano.


Matatandaan na nagkaroon na ng mainit na tunggalian sa pulitika sina Delfin Ting at Jefferson Soriano na mahigit isang libong boto lamang ang naging pagitan sa kanilang dalawa.

Samantala, umarangkada ang post sa social media ng mga pulitiko sa Cagayan sa huling araw ng pagpa-file ng COC para sa May 13, 2019 election.

Facebook Comments