Mga kilalang supermarket sa bansa, pumayag na ibagsak sa P70 ang kada kilo ang asukal

Pumayag ang kilalang supermarkets sa bansa na ibagsak ang presyo ng kanilang asukal sa P70 per kilo matapos na makipag-usap si Executive Secretary Victor Rodriguez sa direktiba na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Mula sa P90 hanggang P110 kada kilo, pumayag ang malalaking kilalang supermarket na nagmamay-ari din ng malalaking mall na ibaba ang presyo ng kanilang asukal sa P70 kada kilo.

Ang mga establisyementong pumayag na magbaba ng kanilang sugar price ay ang Robinsons Supermarket, SM Supermarket, Puregold Supermarket at S&R Membership Shopping.


Kaugnay nito ay pinuri naman ni Pangulong Marcos ang aniya’y sakripisyong ito ng mga negosyante na isinasantabi na muna ang kanilang kita alang-alang naman sa ordinaryong mga Filipino.

Facebook Comments