Manila, Philippines – Papayagan ng ASEAN Security Task Force ang mga militanteng grupo na magsagawa ng kilos protesta sa pagsapit ng ASEAN Summit.
Ayon kay ASEAN Security Task Force Operations Officer Csupt. Noel Baraceros na inaasahan na nila ang aktibidad na gagawin ng mga grupong ito.
Sinabi pa ni Baraceros, tututukan nila ang mga raliyista na magtatangkang pumasok sa mga lugar na ipinagbabawal.
Kasunod nito, nakaalerto rin ang buong hanay ng PNP at Armed Forces of the Philippines.
Facebook Comments