Mga kilos protesta, isinabay sa ika-100 kaarawan ni dating Ferdinand Marcos

Manila, Philippines – Sinabayan ng protesta ng ibat-ibang militanteng samahan ang pagdiriwang ng ika isang daan taon kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi inalintana ang ulan, nagmartsa ang ibat ibang grupo na pinangunahan ng bagong alyansang makabayan o bayan, carmma at sandugo ang protesta.

Ang militanteng grupo ay nagmartsa mula elliptical road sa Quezon City hanggang sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.


Nais ng grupo na iparamdam sa administrasyong Duterte ang kanilang mariing pagtutol sa naging hakbang ng pamahalaan sa usapin ng nakaw na yaman ng mga Marcos.

Gayun din ang paghihimlay sa dating dictador sa Libingan ng mga Bayani.

Harapan na ngayon ang ibat ibang militanteng samahan at mga pulis dalawang daang metro ang layo mula sa gate ng Libingan ng mga Bayani, habang ang mga tagasuporta ng pamilya Marcos ay nasa loob na ng LNMB.

Facebook Comments