Mga kilos-protesta kasabay ng Araw ng Paggawa, generally peaceful —PNP

Nananatiling mapapaya ang sitwasyon sa buong bansa ngayong pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, walang naitalang untoward incident sa kabila ng ilang kilos-protesta.

Base sa monitoring ng PNP mula umaga hanggang tanghali, umabot sa 26 na rally ang naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pinakamarami aniya ay sa CALABARZON na sinundan ng Metro Manila at Region VII.

Nauna nang inihayag ng PNP na naka-full alert ang nasa 60,000 mga pulis para tiyakin ang seguridad at kapayapaan ngayong Labor Day.

Facebook Comments