Mga kilos protesta na umano’y pinopondohan ng mga dayuhan, dapat maimbestigahan—Malacañang

Pinaiigting ngayon ng pamahalaan ang pagsisiyasat sa umano’y pagpopondo ng dayuhan sa ilang pagkilos na naglalayong guluhin at pahinain ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y kasunod ng pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng may dayuhang pondo ang ilang protesta, kabilang ang EDSA rally na pinangunahan ng mga retiradong sundalo at pulis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, iniimbestigahan na ito ng AFP at Philippine Naional Police (PNP).

Kung mapapatunayan aniya ay malinaw na pagtataksil ito sa bayan.

Giit pa ni Castro, hindi dapat nakikialam ang kahit sinong banyaga sa panloob na usapin ng Pilipinas.

Facebook Comments