Mga kinatawan ng US Agency for International Development, naki-update sa nagpapatuloy na forest fire sa Benguet

Nakipagpulong ang mga kinatawan ng United States Agency for International Development o USAID sa mga opisyal ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, Office of Civil Defense (OCD), Tactical Operations Group 1 ng Philippine Air Force (PAF) at Cordillera Administrative Region (DENR-CAR).

Ayon sa OCD-CAR, aktibo ang USAID sa pagbibigay ng istratehiya na may kinalaman sa paggamit ng heli buckets para sa pag-apula ng forest fire.

Nagpahayag din ng kahandaan ang USAID na tumulong sa aerial suppression operations maging ito man ay sa pagpapagamit ng kanilang resources.


Nabatid na sa ngayon ay hindi pa rin naapula ang forest fire sa Benguet at puspusan ang ginagawang pag-apula dito ng Bureau of Fire Protection (BFP), PAF at lokal na pamahalaan.

Facebook Comments