Manila, Philippines – Lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Labor na walang malinaw na datos ang pamahalaan kaugnay sa kabuuang bilang ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Nakita sa pagdinig na hindi makatugma ang datus ng bureau of Immigration na siyang nag-iisyu ng special working permit sa mga dayuhan sa datus ng Department of Labor and Employment na siya namang nag-iisyu ng alien employment permit.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III mayroon na silang binuong inter-agency committee na magsasagawa ng inventory sa totoong bilang ng mga dayuhang mangagawa sa bansa, lalo na ang mga ilegal na nagtatrabaho.
Sabi ni Bello, pinangugnunahan ang committee ng DOLE, kasama ang finance department, Depertment of Justice, Department of Trade and Industry, PAGCOR, Bureau of Internal Revenue at BI.
Mayroong isang buwan ang committee para isagawa ang inventory at magpasya kung magiging solong responsibilidad na ng DOLE ang pag-iisyu ng work permit.
Dismayado si labor committee Chairman Senator Joel Villaneuva sa hindi malinaw na datus ng dumadagsang dayuhang mangagawa na umaagaw sa trabaho na dapat sana ay para sa mga Pilipino.