Mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, pinapakilos ng isang kongresista para sa 5 Pinoy na kasama sa lumubog na Chinese vessel

Umaasa at nananalangin si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo na makakaligtas at matatagpuan na ang limang Pilipino na kasama sa lumubog na Chinese fishing vessel sa Indian Ocean nitong May 17, 2023.

Bunsod nito ay nanawagan si Salo sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na magsagawa ng mahigpit na koordinasyon sa Chinese authorities kaugnay sa search and rescue mission sa naturang mga Pinoy.

Hiniling naman ni Salo sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy na magbigay ng kahit anong tulong sa mga naghahanap sa mga nawawalang Pilipino at iba pang crew ng barko.


Binanggit ni Salo na nagpatupad na ng all out rescue operations ang gobyerno ng China kung saan tumutulong na rin ang ibang bansa tulad ng Australia.

Iginiit naman ni Salo sa Overseas Workers Welfare Administration na pagkalooban ng tulong ang kanilang pamilya.

Facebook Comments