Mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, pinapakilos ng isang senador kaugnay sa kumakalat na suicide challenge sa internet

Kinalampag ni Senator Nancy Binay ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa kumakalat na apps at mga video o mga sites sa internet na nag-uutos sa mga bata na saktan ang kanilang kapwa, ang kanilang sarili o magpakamatay.

Ayon kay Binay, dapat pag-aralan agad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung paano matatanggal ang nabanggit na mga video at apps.

Iminungkahi pa ni Binay, na makipag-ugnayan ang DICT sa mga admin ng iba’t ibang social media para mailatag ang nararapat na hakbang hinggil dito.


Bukod sa DICT, ay iginiit din ni Senator Binay Sa Department of Social Welfare And Development at Department of Education na magsagawa ng seminar para ituro sa mga magulang kung paano mapoproteksyunan ang kanilang mga anak na gumagamit ng internet.
Umapela din si Binay sa lahat na huwag i-share o ikalat ang mga apps at video na pwedeng magpahamak sa mga bata.

Facebook Comments