Mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, puspusang pinapakilos ng pangulo para tugunan ang patuloy na oil price increase

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, nagbigay ng deriktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para tugunan ang walang patid na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Kabilang sa mga ahensyang binanggit ni Go na pinapakilos ng pangulo, ang National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Energy (DOE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF) at Department of National Defense (DND).

Ayon kay Go, inatasan din ni Pangulong Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na ihanda na ang paglalabas ng mga kautusan hinggil dito.


Sabi ni Go, inatasan ni Pangulong Duterte si Secretary Medialdea at mga kinauukulang ahensya na tutukan ang halaga ng langis at gawin ang kinakailangang hakbang para hindi masyadong tumaas ang presyo nito sa bansa.

Binanggit ni Go na pinaghahanda naman ni Pangulong Duterte sina Finance Secretary Carlos Dominguez at ang DND sakaling lumala ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at maapektuhan ang ating bansa.

Facebook Comments