Mga kolorum na driver, hiniling na maisama rin sa ayuda at pantawid pasada ngayong pandemya

Umapela si ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Transportation (DOTr) na isama ang mga kolorum na drivers sa makakatanggap ng ayuda at Pantawid Pasada ngayong may COVID-19 pandemic.

Hirit ng mambabatas na alisin muna ang mga legal constraint para sa pamamahagi ng ayuda sa mga driver.

Ang kasama lamang kasi sa mabibigyan ng cash aid ng ahensya ay limitado lamang sa mga driver ng legal, franchised o registered units.


Giit ni Tulfo, gawin sanang patas at episyente ang pamamahagi ng ayuda para sa lahat ng public utility jeepneys (PUJ), public utility buses (PUB), tricycle, FX at TNVS drivers.

Inirekomenda ng kongresista na isantabi muna ang eligibility criteria sa mga driver tulad ng ginawa ng DOLE sa mga non-compliant company nang mamahagi ng ayuda sa mga empleyado.

Umaasa ang lady solon na mailalabas agad ang pondo para sa transport sector upang mas marami pang driver beneficiaries ang mabibigyan ng tulong ng pamahalaan ngayong pandemya.

Facebook Comments