Mga komite na pamumunuan ng mga nanalong senador, pinag-usapan na

Manila, Philippines – Pinag-usapan na sa Senado ang mga komite na namumunuan ng mga nanalong kandidatong Senado nitong eleskyon 2019.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, unang pipili ng komite ang mga senador na kasalukuyang nanunungkulan.

Aniya, ilan sa mga senador ang gustong panatilihin ang hawak nilang mga komite tulad ni Sen. Richard Gordon na chairman ng Blue Ribbon at Justice and Human Rights Committee.


Habang si Sen. Sonny Angara ay nais namang pamunuan ang Senate Committee on Finance na bibitawan na ni Sen. Loren Legarda.

Sabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na pwede na niyang ibigay sa iba ang pamumuno sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Maaari aniya itong pamunuan ni dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Facebook Comments