Mga kompanya, hinikayat ng DOLE na gumamit ng carbon dioxide monitors kasunod ng banta ng Omicron variant

Nais ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gumamit ang mga establisyemento at mga kompanya ng carbon dioxide monitors para makita kung tama ang ventilation sa lugar ng paggawa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco na mahalagang makasunod sa ventilation standards ang mga may-ari ng negosyo at mga kompanya lalo na at nakapasok na sa bansa ang Omicron variant.

Ang carbon dioxide monitors ay malinaw na magpapakita ng lebel o antas ng carbon dioxide sa isang lugar.


Aniya, maari kasing makuha ang virus sa mga kulob na lugar lalo na kung hindi maganda ang daloy ng hangin o ventilation.

Paliwanag pa nito na ang ventilation standards ay kabilang sa minimum public health protocols at kanilang patuloy na ipatutupad sa mga lugar ng paggawa.

Facebook Comments