Mga kompanya, hinikayat ng isang kongresista na magkasa ng regular na earthquake drills

Hinikayat ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines o TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza ang mga kompanya na magsagawa ng regular na earthquake drills na hindi bababa sa dalawang beses kada buwan.

Mungkahi ito ni Mendoza matapos ang magkakasunod na lindol na tumama sa Cebu, Davao, Baguio, Zambales, Surigao at iba pang lugar sa bansa.

Diin ni Mendoza, makabubuting gawing “habit at work culture” ang mga drill kaugnay ng lindol.

Paliwanag ni Mendoza, ang regular na earthquake drill ay magdudulot ng “muscle memory” sa hanay ng mga manggagawa lalo na sa oras ng trahedya.

Giit ni Mendoza, kapag madalas ang paghahanda, mas maraming buhay ang maililigtas lalo na at ang Pilipinas ay nakapwesto sa Ring of Fire sa bahagi ng Pacific Ocean.

Facebook Comments