Mga kompanya ng langis, may pahabol na rollback sa presyo ng gasolina at diesel!

Manila, Philippines – Bago matapos ang taon, may pabahol na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Kahapon, nauna nang nagpatupad ng bawas-presyo ang PTT Philippines Corp, Unioil, Phoenix Petroleum at Seaoil.

Tapyas na P1.30 sa kada litro ng gasolina ang ipinatupad ng mga nasabing oil company habang P1.80 naman sa diesel.


Sa Lunes, December 31 naman nakatakdang magpatupad ng rollback ang Petro Gazz.

Facebook Comments