Pinuri ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda, ang pagtugis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga kompanyang lumulusot sa pagbabayad ng buwis gamit ang mga ghost receipts.
Ito ay matapos kasuhan ng BIR ang tatlong kompanya na may ₱18 billion tax liability dahil sa paggamit ng ghost receipts.
Sabi ni Salceda, ito ay nagpapakita na panahon ng pagtibayin ang House Bill No. 8144 o panukalang Anti-Tax Racketeering Act.
Ayon kay Salceda, ang tax racketeering ay krimen kung saan pinagsama-sama ang magkaka-ugnay na paraan upang maiwasan o matakasan ang dapat na bayarang buwis na ang halaga ay ₱10 milyong pataas.
Gamit dito ang mga pekeng resibo, rekord at iba pang dokumento.
Facebook Comments