Mga kompanyang gumagamit ng pekeng resibo, kinasuhan ng BIR sa DOJ

Nagsampa ng patong-patong na reklamo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga malalaking kompanya na gumagamit ng mga pekeng resibo.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, aabot sa ₱18 bilyon ang nawala sa gobyerno mula sa tatlong kompanya pa lamang na kanilang inireklamo.

Kabilang sa mga inireklamo ng BIR ay ang World Balance na kilalang gumagawa ng mga footwares at mga kompanya na may kinalaman sa mga bakal.


Dawit din sa reklamo ang mga accountant ng mga nabanggit na kompanya.

Naniniwala naman si Lumagui na sindakato ang nasa likod ng pagbebenta at pagbili ng mga pekeng resibo dahil ang may-ari ng World Balance na pamilya Chiong ay siyang mga nasa likod din aniya ng paggawa ng mga nasabing resibo.

Simula pa lamang aniya ito ng mga irereklamo nilang mga kompanya na may kinalaman sa pekeng resibo.

Batay kasi sa kanilang pagtataya ay libong mga negosyo ang gumagamit nito kung saan posibleng umabot sa ₱500 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan.

Facebook Comments