Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na papanagutin nila ang sinumang kompanya o employer na mapapatunayang nagpapairal ng “No vaccine, No salary Scheme.”
Sa Laging Handa public press briefing, muling iginiit ni Labor Usec. Benjo Benavidez ang posisyon ng DOLE na bawal ang ganitong polisiya, lalo’t mayroon itong nalalabag na batas, tulad ng non-payment of wages, na isang administrative proceeding na nasa hurisdiksyon ng DOLE.
Gayundin ang withholding of wages na mayroon aniyang criminal liability at kaakibat na parusang pagkakakulong at multa.
Paliwanag pa nito, nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa Trade Union Congress of the Philippines, upang matukoy kung anong mga kompanya ang nagpapatupad ng No vaccine, No salary Scheme.
Facebook Comments