Mga komunidad, pinakikilos laban sa climate change

Pinakikilos ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang bawat komunidad na umaksyon para labanan ang climate change.

Giit ni Legarda na isa ring environmental champion, kailangang magpatupad ang bawat local communities ng mga hakbang para matuto na mag-adapt sa climate change at kung paano malalabanan ang negatibong epekto nito.

Sinabi ng Lady Solon na araw-araw nating nararanasan ang epekto ng climate change tulad ng pabago-bagong weather patterns, paglala ng mga bagyo o kalamidad na tumatama sa bansa at ang ilan pang disturbances sa ating ecosystem.


Kung hindi aniya matututo ang mga Pilipino na mag-adapt sa climate change ay tiyak na mauuwi sa pagkasira ang mundo na ating tinitirahan tulad ng mababang ani, pagkalason ng mga tubig, at pagtindi ng polusyon sa ating mga ilog at karagatan.

Inirekomenda ni Legarda ang 10 solusyon sa climate change na maaaring gawin ng mga komunidad tulad ng reducing waste to zero, recycling at reusing, pagbawal sa single-use plastics; pagiipon ng tubig-ulan para sa household at community use; at paglalagay ng rain gardens, food gardens, at iba pang edible landscapes para sa food sufficiency.

Facebook Comments