Mga komunidad, pinakikilos para maiwasan ang tumataas na kaso ng dengue sa bansa

Kinalampag ni Senator Christopher “Bong” Go ang bawat komunidad na paghusayin ang mga preventive measures para maiwasan ang dengue outbreak sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ang bansa ng 67,874 dengue cases mula Enero hanggang Mayo 2024 o 28 percent na pagtaas ng mga kaso.

Hinimok ni Go, Chairman ng Senate Committee on Health, na paigtingin ang pagiging alerto at pakikipagugnayan sa mga stakeholders sa loob ng mga komunidad sa gitna na rin ng tumataas na dengue cases ngayon.


Pinadodoble ng senador ang mga pagsisikap na maging maingat, alerto at maagap sa pagiwas sa sakit na dengue.

Partikular na pinakikilos ni Go ang DOH, Local Government Units, private sector, at mga komunidad na magtulungan at ipatupad ang mas mahigpit at pinahusay na 4S strategy laban sa dengue tulad ng search and destroy o paghahanap at pagsira ng mga pinamumugaran o pinangingitlugan ng mga lamok, secure self-protection o pagprotekta sa mga sarili laban sa kagat ng lamok, seek early consultation o agad na pagpapakunsulta kapag nakitaan ng sintomas ng dengue at say yes to fogging.

Facebook Comments