MGA KOMUNIDAD SA VIGAN CITY, ILOCOS SUR, TARGET GAWING TSUNAMI-READY

Idadaan sa pagtakbo ang kampanya upang mapataas ang kamalayan ng mga residente sa Vigan City, Ilocos Sur ukol sa banta ng Tsunami kasabay ng World Tsunami Awareness Day ngayong araw.

Target ng limang kilometrong ‘Tsunami! Run for Safety na hikayatin ang mga residente partikular sa mga coastal areas sa Kanlurang Luzon na higit maapektuhan mula sa paggalaw ng Manila Trench.

Bukod sa pagtakbo, magsasagawa ng Disaster Risk Reduction Information Exhibit at Response Assets Static Display ang DOST-Phivolcs upang ipakita ang kahandaan ng ahensya sa mga sakuna.

Umaasa din ang tanggapan na kalaunan ay mapabilang ang mga barangay sa Ilocos Sur sa mga kauna-unahang lugar sa Pilipinas na kilalanin bilang Tsunami Ready Community.

Samantala, nauna nang nag-abiso ang pamahalaang panlungsod ng rerouting sa mga motorista at komyuter upang bigyang-daan ang aktibidad.

Facebook Comments