Mga kondisyon ni Pastor Apollo Quiboloy, hindi pinahintulutan ng DOJ

Walang karapatan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy na maglatag ng mga kondisyon kaugnay sa pagsuko nito sa gitna ng mga kinahaharap na reklamo.

Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng pahayag ni Quiboloy na nagtatago siya dahil ayaw niyang makialam ang mga awtoridad ng Estados Unidos at hindi dahil umiiwas siya sa batas.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matibay ang mga ebidensiya sa mga kaso laban sa pastor kaya dapat harapin ito ni Quiboloy nang walang kondisyon.


Tiniyak naman ng kalihim ang kaligtasan ng religious leader sakaling sumuko na ito, kasabay ng paalala na walang nakaaangat sa batas kahit sino pa man.

Bukod sa warrant of arrest na inilabas ng Davao Regional Trial Court laban kay Quiboloy noong April 3 dahil sa kasong child abuse, hinihintay ngayon ng DOJ ang paglalabas ng isa pang warrant na mula naman sa Pasig RTC dahil sa kasong qualified trafficking.

Facebook Comments