Mga kondisyon sa ilalim ng 4Ps, planong i-waive ng DSWD

Pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na i-waive ang mga kondisyon sa pamamahagi ng cash grants sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Ayon sa DSWD, ang 4Ps National Project Management Office (NPMO) ay kasalukuyang nagsasagawa ng distribusyon ng cash grants sakop ang pay period mula Agosto hanggang Setyembre sa mga benepisyaryong nakatira sa mga apektadong rehiyon.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang National Capital Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Eastern Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).


Sinisilip na rin ng DSWD ang posibleng pagdedeklara ng ‘force majeure’ o suspensyon ng compliance monitoring.

Bago ideklara ang force majeure, ang DSWD Regional Director ng apektadong rehiyon ay kailangang magpadala ng official memorandum kay DSWD Secretary Rolando Bautista na humihiling ng suspension ng compliance conditions sa 4Ps beneficiaries.

Facebook Comments