Ikinababahala ng ilang ng konduktor at operators ng pampasaherong sasakyan ang muling nakikitang pagdami ng nagsusulputang namamalimos sa kakalsadahan sa Dagupan City.
Ayon sa mga ito, isa umanong nakikitang dahilan ay ang nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Maglalabasan na naman daw ang dagsa ng tao sa bayan kaya naman napapanahon umano sa mga ito ang humingi at mamalimos ng pera.
Kadalasan sa mga ito ay mga bata edad pito pababa, habang ang iba ay magulang na may karga kargang bata o sanggol.
Ani ng ilang konduktor, kahit pa suwayin ang mga ito partikular ang mga sumasabit sa jeep at nagbibigay ng sobre ay hindi naman nakukuhang mapagsabihan ang mga ito.
Samantala, kaugnay dito, ipinaalala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na iwasan umano ang pagbibigay ng limos sa street dwellers o mga taong nananatili sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments