Mga kongresista, dismayado sa hindi pagdalo ng DILG at Presidential Management Staff sa pagdinig tungkol sa sitwasyon ng LSIs

Napikon sina Anakalusugan Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Boying Remulla sa hindi pagdalo ng mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Presidential Management Staff (PMS) sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa sitwasyon ng mga Locally Stranded Individual (LSI).

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa naturang isyu, humingi ng update ang mga mambabatas mula sa ahensya na overall-in-charge sa Hatid Probinsya Program ng mga LSI.

Ngunit napag-alaman na walang ipinadalang kinatawan ang DILG maging ang PMS na may hawak sa Rizal Memorial Stadium send-off.


Giit ng mga kongresista, kawalan ito ng respeto sa mga miyembro ng Kamara at sa Kongreso.

Dahil dito, hiniling sa Committee Secretariat na magpadala ng sulat upang obligahin na padaluhin sa susunod na pagdinig ang mga kinatawan.

Nagpaalala naman si Defensor sa mga ahensya tungkol sa nalalapit na budget hearing dahil tiyak na masisilip ang mga ito kung sa simpleng pagdalo sa pagdinig ay hindi nagagawa.

Facebook Comments