Ilang mga kongresista ang nagbahagi ng kanilang mga larawan sa pagboto para ipakita na hindi nila sinayang ang pagkakataon na pumili ng sa tingin nila ay nararapat na mamuno sa mga barangay na kanilang kinabibilangan.
Kabilang dito sina Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Bohol 3rd District rep. Alexie Tutor, at BHW Party-list Rep. Aneglica Natasha Co na nagsabing ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay simula pa lang ng bagong chapter na dapat masundan ng pagsisipag ng mga mananalong kandidato.
Bumoto rin sina Deputy Majority Leader and Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos, House Appropriations Committee Chairman and AKO BICOL Rep. Elizaldy Co at Albay 2nd district Rep joey Salceda.
Bumoto rin sa kanyang bayan sa Pampanga si dating pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo gayundin si CIBAC Party-list Rep Brother Eddie Villanueva na unang nananawagan ng panalangin para sa mapayapa at matagumpay na BSKE.
Bumoto rin sina PBA Party-list Rep Migs Nograles, Agri Party-list Wilbert Lee, Manila 6th District Rep. Benny Abante at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na nagsabing kahit tapos na ang BSKE ay hindi pa natatapos ang pagbantay sa ating mga boto at paglaban sa lahat ng anyo ng dayaan at karahasan sa halalan.