Mga kongresista, hinikayat na pumili ng speaker na naaayon sa kanilang konsensya

Umapela si Leyte Rep. Martin Romualdez sa mga kasamahang kongresista na pumili at bumoto ng Speaker na naaayon sa kanilang konsensya.

 

Ito ay matapos igiit ni Pangulong Duterte na  hindi siya mageendorso ng Speaker para sa 18th Congress at ipauubaya niya ang pagpili sa mga kongresista.

 

Ayon kay Romualdez, ipinapakita ng Pangulo ang paggalang nito sa independence ng lehislatura at ang karapatan ng mga mambabatas ng nais nilang lider sa Kamara.


 

Tinawag ng kongresista na “selfless act” ang hakbang ni Pangulong Duterte na huwag nang manghimasok sa pagpili ng susunod na Speaker na kapuri-puri para sa isang lider ng bansa.

 

Dahil dito, hinikayat ni Romualdez ang mga mambabatas na bumoto ng Speaker ayon sa kanilang konsensya at isantabi ang anumang party affiliation.

Facebook Comments