Mga kongresista, kumpyansang ibabasura ng SC ang petisyon laban sa impeachment kay VP Duterte

Kumpyansa sina Representatives Joel Chua ng Maynila at Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list na ibabasura ng Supreme Court ang petisyon laban sa impeachment proceedings na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.

Diin nina Chua at Ridon, sinunod ng Kamara ang batas, konstitusyon, umiiral na jurisprudence at proseso ng impeachment kay VP Duterte.

Paalala pa ni Chua na miyembro ng house prosecution team, hindi ito ang unang pagpapa-impeach sa mataas na opisya ng gobyerno dahil nangyari na ito noon kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Binanggit naman ni Ridon, na matindi ang pananagutan at mga alegasyon na nakapaloob sa articles of impeachment laban sa bise presidente.

Facebook Comments