
Naglabas ng manifesto of support kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang 42 mga kongresista mula sa Southern Luzon at Bicol Region.
Bunsod nito ay umaabot na sa 242 ang mga miyembro ng House of Representatives na nagbigay ng katiyakan na suportado nila ang pamumuno ni Dy.
Binigyang diin sa kanilang manifesto of support na kailangan ngayon ng Kamara ang liderato ni Dy na matatag at may prinsipyo, may integridad, pananaw at commitment na maging matagumpay.
Para sa nabanggit na mga mambabatas, taglay ni Speaker Dy ang kwalipikasyon ng isang lider na may dedikasyon, mahusay magdesisyon, at nakatutok sa pagtupad sa tungkulin.
Higit sa lahat pinuri din sa manifesto of support ang hindi matatawarang pagsusulong ni Dy sa transparency, pananagutan at mahusay na pagtupad sa mandato ng kamara sa pagbalangkas at pagpasa ng mga kailangang panukalang batas.









